Hangang Dito Nalang Tayo

Sa bawat pintig ng pulso ko, nararamdaman mo ba na ito’y para sayo?
Nararamdaman mo ba ang bawat kurbada ng katawan ko habang ito’y dinidiskubre ng mga kamay mo?
Ang bawat pintig hininga na dulot ng pagsayaw natin sa ngalan ng… Pagmamahal o tawag ng laman?
Pagmamahal o tawag ng laman, hindi ko alam kung ano ito sa’yo, pero alam ko kung ano ito sakin.
Naiintindihan mo ba na sa bawat hiling mo, handa akong baliin ang mga buto ko?
Dignidad ba ang kalaban ko kung ang taong mahal ko hindi naman mapapasa-akin ng buo?
Konsensya ko ay patuloy akong ibinabagabag dahil alam niya sa dulo’y ako rin naman ang magdurusa. Ako rin naman ang masasaktan.
Ako rin naman ang magtatanong
ng “Ano nga ba talaga tayo?”
Saan nga ba patungo ang hinaing ng bawat kurbada ng katawan ko’ng ini-ibig ka, sinta?
Ang hinaing ng puso kong uhaw sa pagmamahal mo, sa pagmamahal mong ukit ng aking isip
Dahil alam natin sa umpisa’y ang kasunduan ay hangang kama lamang, walang halong damdamin.
Ang kasunduang dapat kilalanin ko, dahil hangang dito lang tayo.